Isang Grade 10 student sa Baliwag City, Bulacan ang nasawi matapos umano siyang saksakin ng kanyang amain sa loob mismo ng kanilang tahanan.
Isang Grade 8 student mula sa Sum-ag National High School ang nasugatan matapos umanong saksakin ng Grade 7 student sa labas ng kanilang paaralan.
Sinuspinde ng Batangas City Integrated High School (BCIHS) ang mga klase matapos makatanggap ng ulat ng banta ng pamamaril laban sa paaralan.
Sinaksak ng isang Grade 10 na estudyante ang 17-anyos na mag-aaral ng Julio Ledesma National High School sa labas ng campus bunsod ng ‘sama ng loob.’
3 patay, 20 sugatan matapos ang pamamaril ng dalawang menor de edad sa loob ng San Jose National High School, Tacloban gamit ang police-issued 9mm glock pistol at .38 caliber revolver na nakarehistro sa security agency sa Cebu bandang 9:20 a.m. nitong June 22.
Nahaharap sa kasong frustrated homicide nang saksakin ng 18-anyos na suspek ang kaniyang kaeskwela matapos lumaki ang alitan nitong June 19, bandang 4:30 ng hapon sa loob ng Cavite National High School.
Nailusot naman ng isang Grade 8 student ang patalim at biglang pumasok sa classroom ng Grade 5 students nitong June 16 bandang 8:30 a.m. sa loob ng isang pribadong paaralan sa General Trias Cavite.
Binaril ng 18-anyos sa loob ng silid-aralan ang 15-anyos na kaniyang dating kasintahan bago niya barilin ang sarili sa Santa Rosa, Nueva Ecija noong August 7, 2025 bandang 10:00 ng umaga.
Bullying ang ugat ng pananaksak ng kaniyang kaklase sa 14-anyos na Grade 8 student bandang 1:00 ng hapon noong March 26, 2025 sa loob ng paaralan sa Parañaque City.
Binawian ng buhay ang isang 13-anyos matapos saksakin ng kaniyang kaklase bandang 5:45 ng madaling araw sa loob ng Culiat High School sa Quezon City noong January 20, 2023. Ayon sa imbestigasyon, inggit ang naging dahilan ng away ng suspek at biktima.
Kinansela naman ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang graduation ceremony matapos magkaroon ng barilan noong July 4, 2022.
Napatay sa insidente ang dating Mayor ng Lamitan, Basilan na si Rose Furigay, kaniyang matagal na katulong na si Victor Capistrano, at guwardiya ng paaralan na si Jeneven Bandiala.



